IT’S MORE FUN IN THE PHILIPPINES!!!
This seems to be trending these past few days. Some ridicule it. Others promote. Different views from different people. Mapamayaman man o mahirap. Artista o ordinaryong tao. Mapa-may trabaho o tambay. Mapa-may katungkulan o kritiko.
Sabi nila kinopya lang (na naman) daw ito ng Pilipinas from different country’s slogan. Ang dami nilang problema.
Pero para sakin, (Pasansya na, opinyon ko lang naman) Pano tayo makaka-attract ng mga turista kung tayong mga Pilipino mismo ang kumukutya sa bansa natin. Oo, may mga lugar na hindi kaaya-ayang tignan. Andyan ang slum area, tambak na basura, usok ng mga sasakyan, vandal dito, vandal dyan. Pero have we ever thought na tayo rin ang may kagagawan nito? Kaya nasisira ang mga natural na kagandahan ng Pilipinas ay dahil din sa kapabayaan natin. Bakit ba bumabaha, landslide at kung ano ano pa? Tayo rin naman may kasalanan di ba? (Oo, pati ako guilty dyan! Simpleng pagtapon lang ng balat ng candy sa daan eh.)
So anong pinaglalaban ko dito? Simple lang. Instead na ipakita natin sa mga turista ang mga di kanais nais na makita sa Pilipinas, why not show them what we have? Palawan, Bicol, Cebu, Ilocos, Aklan, Tagaytay, and not to mention all. Marami pa rin naman tayong maipagmamalaki. Sino ba naman ang maatract kung ang pinapakita nyo eh ung mga basura? Slum area na nagkalat sa paligid? Mga pulubi?
Ipakita ang mga reasons kung bakit dapat silang pumunta sa Pilipinas! Hindi ung mga bagay na makakapagsira ng puri o impression nila sa bansa natin!
Simple lang naman ang buhay eh. Dapat matuto lang tayong mag-appreciate ng mga bagay-bagay. :)
Sa mga di sumasang-ayon sakin. Okay lang. Naiintindihan ko. Kanya kanyang opinyon tayo. Respeto lang sa bawat opinyon. :) Have a great day! :D

